Thursday, February 2, 2012

Ayy......meron pala ako nito...........

Nakakatuwa tayong mga Filipino......pag may bisita, ipagagamit lahat ng bago at maganda, tulad ng bagong unan, bagong kumot, ilalabas ang mga bagong pinggan at marami pang iba.......


       Hindi inaasahang araw, umuulan....di naman malakas...nakahandang maglaba, ngunit di natuloy.Unti-unti, tumataas ang tubig, una sa kalsada, umabot na sa harapan ng bahay. Hanggang dumaan ang ilang sandali, mataas na ang tubig............ sa madaling salita bumaha, umabot na sa loob ng bahay, halos mabasa na ng lahat. Maswerte na lang at may mezzanine na tinatawag, naitaas ang ilang gamit na pwedeng mabuhat.


   

         Lumipas ang ilang oras........ humupa rin ang baha. Basa ang lahat maliban sa mga gamit na naitaas. Eto na...linis, linis, at linis pa. Habang unti - unting nililinis ang mga bagay-bagay, marami akong natuklasan....... marami pala akong gamit na importante lalo na sa oras ng kagipitan. Tulad ng, pag nawalan ng laman ang gasul mo, madaling araw, hindi ka na makaluto....... di makapag-init ng tubig ........di makasaing, sa makatuwid walang almusal. Meron pala akong.......... electric thermos........rice cooker....... box-box na mga basong di pa nagagamit..........platong magaganda na di pa nabubuksan.
     Ayy.........meron pala ako nito..........


 

1 comment:

  1. yan ang pinoy..... mahilig magtago.... pag my bisita lang lahat ilalabas.... kung nakakapagsaliuta nga lang ang mga nasa kabinet... baka madami na tayong narinig na "ILABAS NYO KO DITO"........

    ReplyDelete